CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, Sept. 10, 2012 (CIO) - Pormal na ibinigay ni Punong Lungsod Edward Solon Hagedorn ang pabuyang Isang daang Libong piso kaugnay sa maagang pagkakalutas ng kasong pagpatay sa isang nurse ng Ospital ng Palawan.
Ang naturang halaga ay tinanggap ni P/SSupt. Abad Osit, City Police Director sa programa ng Alay lakad 2012 sa City Coliseum. Ayon naman Kay Mayor Hagedorn, ang agarang pagkakaresolba ng kaso ay tunay na dapat bigyan ng pagkilala sa kakayahan ng kapulisan ng lungsod sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan na nagbigay ng mahalagang impormasyon para mahuli ang salarin. Magugunita noong ika tatlo ng Agosto taong kasalukuyan, isang bangkay ng lalaki ang natagpuani na nagtamo ng tatlungput isang saksak sa ibat-ibang parte ng katawan. kinilala ng mga kaanak ang biktima sa pangalang Jerome Remojo, isang nurse ng Ospital ng Palawan. Ang suspek ay agad namang nahuli pagkaraan ng isang linggong manhunt operation ng City PNP. Inamin naman ni Eduardo Diaz, beinte otso anyos at isang ex-convict mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, na siya nga ang pumatay kay Remojo makaraang hindi tumupad ang biktima sa isang kasunduan.Itinuro niya sa pulisya ang kanyang pinagtapunan ng dalawang atm cards, cellphone, drivers license, PRC license at ang duguang short ng biktima.
Agad namang isinalang sa Inquest proceeding ang suspek sa tanggapan ng piskalya at nahaharap sa kasong Robbery with Homicide. (Edwin Rada)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |