CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Sept. 14, 2012 (CIO) - Idinaos sa Palawan State University ang malawakang konsultasyon kaugnay sa Information Mission Caravan na itinataguyod ng News and Information Bureau-Philippine News Agency Malacañang.

Ang may tatlong oras na lecture series ay kinapalooban ng basic News Writing for Government Media at Understanding Public Information and Government Media. Ang mga Lecturers ay nagmula pa sa News and Information Bureau of the Presidential Communications Operations Office.

Layunin din ng naturang seminar, ang pagkakaroon ng kaalaman ng bawat mamamayan sa komunidad na kung paano tumugon sa impormasyong nanggagaling sa pamahalaang lokal. Idinagdag pa dito na di lahat ng impormasyon ay kinakailangang mailabas saTri-media (Print, TV, Radio) lalo na kung Ito ay may kaugnayan sa seguridad ng isang tao o bayan.

Ipinaalam din sa lahat ng dumalong mga estudyante mula sa PSU, WPU, PTCI at HTU na on going ang kanilang on the Job Training para sa mga Government Media Offices na hawak ng Pamahalaang Nasyunal. Ito ay may kaugnayan sa Public Information and Government Media. (Edwin Rada)