CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa,CIO June 11 - Ipinagdiriwang tuwing hunyo ang Kidney month sa buong bansa. Sa lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ng City Health Office, pormal itong pinasimulan ng isang programa nitong June 9, sa pamamagitan ng motorcade alas 7:30 ng umaga.

 

Ngayong buong buwan ng hunyo, tututukan ng  City Health Office ang sektor ng multicab drivers sa lungsod upang mabigyan ng serbisyo mula sa Renal Disease Control Program ng City Health o REDCOP. Kabilang dito ang lectures, eksaminasyon ng ihi at kompletong gamutan. Nauna na dito ay tinutukan din ang mga  tricycle drivers, estudyante at empleyado nitong nakalipas na taon.

 

Ayon kay Dr. Ricardo Panganiban, Medical Coordinator ng Renal Disease Control Program sa lungsod importanteng magpasuri ng ihi dalawang beses sa isang taon upang masubaybayan ang kalusugan ng kidneys o bato. Dito makikita kung mayroong dugo, asukal at protina na mga palatandaan ng sakit.  Sa simula ay walang makikitang sintomas ang sakit sa bato at madalas ay nalalaman na lamang ito kapag malala na.

 

Ayon sa datus ng Department of Health, ang sakit sa bato ay pansampu sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa, dito sa lungsod ay kabilang din ito sa sampung sanhi ng kamatayan.

 

Article Type: 
Categories: