CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Feb. 15 (CIO) - Alas kuatro pa lamang ng umaga ay masikip na ang baybayin ng bgy. tagburos para sa taunang pagdiriwang ng Love Affair with Nature. Tinatayang sampung libong katao ang mas piniling ipagdiwang ang valentine sa pagtatanim ng bakawan sa Purok Silangan, Brgy. Tagburos bilang pakiki-isa sa ika sampung taong selebrasyon ng Love Affair with Nature.
Ang Love Affair with Nature (LAwN) ay taonang pagtatanim sa mga baybay dagat sa pagtataguyod ng Pamahalaang Lungsod sa layuning mapangalagaan ang yamang dagat sa lungsod. Magsisilbi itong pangitlogan ng mga isda at titahan ng maraming yamang dagat. Sama-samang nagtanim ang mga estudyante, kawani ng pamahalaan, pulis, military, barangay officials, religious groups, boy scouts at girls scouts at maging mga pribadong indibidwal.
Tatlong ektaryang mangrove area ang nais na buhayin ng Love affair with Nature ngayong taon. Ayon kay City Enro Atty. Regidor Tulali, labing apat na libong seedlings at 6,000 propagules ang inihanda para sa pagtatanim. Sakaling may mga seedlings na matitira ay itatanim na lamang ng kanilang mga tauhan. Siniguro din ng City Enro na hindi dito magtatapos sa ang LAwN. Ang lahat ng seedlings na itinanim ay bibisitahain at aalagaan upang masigurong mabubuhay ang mga ito. Nauna ng ginanap ang LAwN sa Bgy. San Jose at Bgy. San Manuel.
Liban sa pagtatanim, nagkaroon din ng mass wedding at banal na misa bilang bahagi ng selebrasyon.(maya estiandan)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |