CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Oct. 22 CIO - Binuksan na ang mga karton na naglalaman ng listahan ng bilang ng mga official ballots at election returns noong ika-3:30 ng hapon ng Oktubre 21, 2013.  Pinangunahan ni Gng. Elvie Carlos, Business Tax Division Head ang gawain katulong ang mga kawani ng City Treasurer’s Office  na sinaksihan naman ng kinatawan mula sa DYEC at City Information Department.

May kabuuang bilang na 151,988 ang mga official ballots at 450 sets ng election returns ang pinadala mula sa COMELEC Manila.  Ipapamahagi ito sa 450 clustered precints sa buong Puerto Princesa.  Unang padadalhan  sa Oktubre 26  ang Bgy. Marufinas at New Panggangan.   Sa Oktubre 27 ang mga barangay sa Norte mula Bacungan hanggang Langogan at Bahile hanggang Cabayugan.  Kasama rin dito ang mga barangay na nasa west coast na kinabibilangan ng Napsan, Bagong Bayan, Simpocan at Montible. Kasabay din ang pagdadala ng election paraphelnalias sa bandang Sur, mula Iwahig hanggang Kamuning at magkakatabing mga barangay ng Sta.Lucia, Luzviminda at Mangingisda.

Sa umaga naman ng Oktubre 28 bago magbukas ang mga presinto ihahatid ang mga ballot boxes sa mga barangay na nasa kabayanan hanggang Sta. Lourdes at Irawan.

 

Pagkatapos ng eleksyon ibabalik naman ng mga Board of Election Inspectors ang mga ballot boxes sa City Hall pagkatapos makompleto ang bilangan ng mga boto. (amie)

Article Type: 
Categories: