CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 31, 2012 - " Walang sikreto o formula kung bakit matagumpay ang programang Oplan Linis maliban na lamang sa mahigpit na pagpapatupad ng batas o ordinansa dito sa lungsod ng Puerto Princesa. "
Ito ang madiing pahayag ng Unang Ginang ng Lungsod Elen Hagedorn, na siya ring namumuno bilang Program Director ng Oplan Linis sa harap ng may mahigit sa anim napung katao nagmula naman sa Lungsod ng San Juan. Ang naturang delegasyon sa pangunguna ng kanilang Punong Lungsod Guia Gomez, kasama ang kanyang mga konsehales at mga department heads ay nasa lungsod upang pag aralan ang mga best practices programs on environmental protection and management. Mainit naman silang tinanggap ng mga kawani ng pamahalaang lungsod.
Ayon kay Ginang Hagedorn, ang pagkakilala noon sa Puerto Princesa ay lugar ng mga taong may ketong dahil na rin sa Leprosarium sa munisipyo ng Culion, o tapunan ng mga preso dahil naman sa Iwahig Penal Colony o di kaya ay tirahan ng mga may sakit na malarya. Ang mga negatibong pananaw sa kanyang mga kababayan ang nagbunsod kay Hagedorn para humanap ng isang alternatibo na positbo na maaring kilalanin bilang natatanging Lungsod sa buong Pilipinas. Isang lumang batas, ang Ordinance number 163-91 o Anti-Littering Law ang kanyang napagtuunan ng pansin, dito isinilang ang konsepto ng Oplan Linis, ang pinaigting na kampanya para sa paghuhuli at pagmultahin ang mga nahuling nagtatapon ng basura sa di tamang lalagyan at pagkakalat tulad ng upos ng sigarilyo at balat ng candy. Natandaan pa ng Unang Ginang na ang unang nahuli noon ay dating manager ng NFA na nahuling nagpitik ng upos ng sigarilyo at pinagmulta ng halagang dalawang daang piso . Sinundan pa ng bumibisitang dating AFP Chief of Staff Rodolfo Biason na noon ay tumatakbo bilang senador, ang kilalang intregera ng showbiz na si Cristy Fermin. Ang lahat ng bagay na ito ay isang malinaw na mensahe na nais ipakita ni Mrs Hagedorn na sa pagpapatupad ng batas, walang dapat na kinikilingan, at dito umusbong ang mga katagang AKO TAGA PUERTO, DISIPLINADO !
Sa pagkakaisa na rin ng mga taga Puerto Princesa, nakamit ng programang Oplan Linis ang maraming karangalan na ibinigay ng pamahalaang nasyunal, at isa na rito ang Hall of Fame Award for the Cleanest ang Greenest City in the Philippines .
Sa mensahe namang ibinahagi ni Mayor Guia Gomez ng San Juan, lubos ang kanyang pasasalamat sa pagpapaunlak ng Puerto Princesa para maging sister city nito, at di sila nagkamali na dito idaos ang kanilang Study Tour dahl sa unang araw pa lamang ay marami na silang natutunan.(Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: