CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 24, 2012 (CIO) – Nakatakdang isumite ng Puerto Princesa City Government Employees Association (PPCGEA) ang mga benepisyong nakatakdang matatamo ng bawat empleyado ng lungsod. Ayon kay Mylene J. Atienza Pangulo ng PPCGEA, nasa final stage na ang revision at ammendment ng mga benefits at provision mula sa Collective Negotiation Agreement o CNA. Ang CNA ay irerekomenda sa pamunuan ng Pamahalaang Lungsod na kung saan naglalaman ng mga mungkahi at pagbabago para sa kagalingan ng mga kawani nito. Ilan sa mga salient provision na nakapaloob dito ay tulad ng Employee-Management Unity Award Incentive (10,000) Staple Food Allowance (500/month) Employee Support and Help (ESH) 3,000 / semester, at Birthday Cash Gift na 3,000. Hiningi rin na magkaroon muli ng Anniversary Bonus na 5,000, Child Minding Center, Recreational Zone na may kumpletong kagamitan at pasilidades para sa physical fitness ng mga empleyado, Kasama ring hiniling sa ilalim ng CNA ang pagpapatupad ng low cost housing program para sa mga empleyado ng lungsod. Nais ng PPCGEA na sa halip sa ibang ahensya ng pamahalaan kumuha ng hulugang pabahay ay maglaan na lang ang City Govt, ng pondo para sa pagpapagawa ng murang pabahay para sa mga kawani nito at huhulugan na lamang. Ang CNA ay inaasahang isusumite sa tanggapan ng City Administrator sa darating na Agosto a Kinse ng taong kasalukuyan, para mapag usapan na ang iba pang detalye bago ito isasalang sa Sangguniang Panlungsod para sa kaukulang pagpopondo o pagrebisa kung kinakailangan. Ang pinal na pag apruba ng CNA ay sa tanggapan ng Punong Lungsod Edward Solon Hagedorn. Idinagdag pa ni Javarez, na ibayong sipag at katapatan naman sa paglilingkod ang kanilang isusukli para sa patuloy na pag unlad ng Puerto Princesa. (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: