CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, July 20(CIO) - Ilulunsad sa lungsod sa buwan ng Agosto ang Child Wise Tourism(CWT) Programme ng Department of Tourism upang buksan ang kamalayan ng mamayan sa lungsod tungkol sa usaping child-sex tourism na kaakibat sa mabilis na pag-unlad ng isang tinuturing na tourist destination tulad ng Puerto Princesa.
Binuo ng Department of Tourism ang programang Child Wise Tourism(CWT) noong 2003 sa layuning maiwasan ang pang-aabuso sa mga kabataang naninirahan sa tourism areas. Itataguyod ng programa ang pagtuturo at pagpapalaganap ng pangmatagalang panuntunan sa turismo na mangangalaga sa karapatan ng kabataan laban sa pang-aabusong sekswal ng mga turista, dayuhan o local. Edad labing walo pababa ang kinikilalang kabataan ng CWT.
Matapos ang paglulunsad ay sisimulan na ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng tourism stake holders sa lungsod upang makapagbalangkas ng mga panuntunang susundin upang maiwasan ang “commercial sexual exploitation of children”(CSEC).
Ang CTW Programme ay una ng inilunsad sa Manila noong 2008 at Boracay Island nonng 2010. (maya estiandan)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |