CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princeesa City, Aug. 22, 2012 (CIO) - Nagpalabas ng Opinyong legal ang Tanggapan ng Legal sa Lungsod kaugnay sa Ordinansang ipinagtibay ng Sangguniang Barangay ng Maunlad na ipinagbabawal sa lahat ng mga namumulot ng basura o maghalu sa garbage bins sa nasasakupan ng naturang barangay.
Ayon kay Atty. Shirley R. Daganta, Acting City Legal Officer ang isang Barangay ay may kapangyarihan na mag pairal ng ordinansa o batas na naglalayong mailagay sa wastong perspektibo. Ang barangay Ordinance No. 007-2012, ay nagpakita ng pagsunod at pagbibigay suporta sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ang wastong pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan at ang segregation nito. Idinagdag pa ni atty. Daganta, bagamat maganda ang layunin ng naturang ordinansa, dapat namang bigyan din ng kunsiderasyon ang mga mahuhuling nagkakalat ng basura sa pamamagitan ng pagkalkal nito, o pamumulot ng plastik at bote. Dapat umanong tandaan na kaya nilang nagagawang mangolekta ng basura ay upang maibenta sa junkshop at magkapera. Sa halip na kaukulang pera ang imumulta, ito ay inimungkahing lagyan ng katumbas na Community Service sa bawat paglabag dito. Ito ang 1st offense -warning , 2nd offense- three hours community service at 3rd offense- fine of 300 pesos or five hours community service. (Edwin Rada)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |