CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa,Sept. 26 CIO -  Muling nakasakote ang pinagsanib na grupo ng bantay Gubat, City Enro at City PNP ng mahigit sa isang daan at apatnapung pirasong illegally cut na round timber sa kilometer 40 ng sitio Tacduan, Inagawan- Sub Lungsod ng Puerto Princesa.

     Ayon kay Manuel Romasanta III Project  Manager ng Bantay Gubat, South section, bandang alas onse ng umaga Sept.24 isang info galing sa monitoring team nila na marami umanong nag illegal cutting at kaingin sa lugar ng Tacduan , agad nilang pinakilos ang composite team at nakuha nila sa naturang area ang inabandonang mga kahoy 142 pieces, at nakumpirmang mahigit sa sampung ektarya na ang nalilinis para sa gagawing kaingin.

     Samantala kaugnay din nito, Puspusan pa rin  ang kampanya ng grupo ng Bantay Gubat, Southern Component kaugnay sa illegal cutting ng banned species sa halamang gubat at punongkahoy.Ayon kay Mgr. Romasanta III  ng bantay Gubat, dalawang magkasunod na apprehension din ang kanilang naisagawa nitong September 10,  2013 sa sitio Tacduan Barangay Inagawan –Sub. Lungsod ng Puerto Princesa. Batay  sa impormasyon, merong ulat na nagkaroon ng illegal na pamumutol ng bakawan sa sitio Tacduan , agad umanong binuo ni Mgr. Romasanta ng bantay gubat ang isang team kasama ang PNP personnel mula sa bgy. Irawan station , pinuntahan nila ang nasabing lugar  at nakumpirma ng grupo ang naturang report ng  aktong mahuli si Charlie T. Bucog, nasa hustong taong gulang bandang alas onse ng umaga  na  walang habas na pumuputol ng bakawan sa loob mismo ng mangrove area ng Tacduan. Umaabot sa walumput tatlong piraso ng bakawan at talisay round timber na may kabuuang volume na 4.0665 cubic meters, 25 stamps bakawan 2.6 cubic meter at isang piraso na kabig ipil bolo na may kabuuang  halagang 24, 530.

     Nahuli din sa naturang operasyon bandang alas dos ng hapon nung araw ding yun si Jorge F. Vargas, nasa kanyang possession  ang mayroong 43 pieces gemelina lumber, isang piraso ng kasko ng Bangka mararanggo species na aabot sa 170.32 board feet at 37 pieces of round timber assorted. Ang dalawa ay nahaharap sa kasong criminal in violation of section 77 formerly section 68 of PD. 705 as amended by Executive order no. 277 series of 1987 and Republic Act 7161 known as a Local government Code. (e.rada)

Article Type: 
Categories: