CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

   Puerto Princesa,Nov. 5 CIO - Opisyal nang ipinahayag ni Provincial Fire Marshall, Senior Inspector Donald P. Rodriguez ng Bureau of Fire and Protection(BFP) na umaabot sa kabuuang halagang anim naput apat na milyung piso ang total damage sa pagkakasunog ng New City Commercial Complex o NCCC na tinuturing na pinakamalaking sunog ng isang establisyemento dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

     Ang bagay na ito ay kanyang tinuran sa question hour na pinatawag ng 14th  Sangguniang Panlungsod sa kanilang ika-19th  Regular session nitong  lunes November 4, 2013. Sa ginawang pagtatanung ni konsehal Roy Gregorio G. Ventura, Committee Chairman ng Health and Sanitation, sa ang sanhi ng sunog sa NCCC mall  noong gabi ng September 2, 2013,  di makatugon si Inspector Rodriguez dahil na rin sa procedure ng BFP. Ayon kay Rodriguez, ang danyos mula 50 milyon pataas ay sa national level ng Bureau of Fire ang imbestigasyon. Sila lamang ang makakapagbigay ng opisyal na resulta o findings ng pinagmulan ng apoy. Samantala, kung umabot sa halagang tatlumpung miyung piso ang pinsala ang imbestigasyon ay mapupunta sa lungsod na pinangyarihan ng sunog.

     Idinagdag naman ni Senior Fire Inspector Herald R. Castillo, City Fire Marshall base sa isinumiteng assessment ng pamunuan ng NCCC na  umaabot sa 35 milyong piso ang structural damage at 29 million pesos ang inventory damage ng item o produkto nito. Hiniling naman ni Konsehal Vicky T. de Guzman, Committee Chairman ng Legal Matters and Ordinances sa BFP na isumite kaagad ang kopya ng final report sa kapulungan para makagawa sila ng preventive measures in aid of legislation.

 

Article Type: 
Categories: