CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Feb. 15(CIO) - Dalawang daan tatlumpu’t isang (231) magsing-irog ang pormal nang kinasal ni Mayor Edward S. Hagedorn bilang bahagi ng pagdiriwang ng Love Affair With Nature noong Pebrero 14, 2013 na ginanap sa Purok Silangan, Bgy. Tagburos, lungsod ng Puerto Princesa. Ang mga magkapareha ay mula sa iba’t-ibang barangay ng Puerto Princesa na nasa ng edad 18 hanggang 83 taong gulang. Sa mensahe ng alkalde, kanyang binati ang mga bagong kasal at hiniling na panatilihin ang init ng pagmamahalan. Hinikayat niya rin na magpakasal pa ang mga ito sa kani-kanilang simbahan upang magabayan pang lalo ng Panginoon.
Maikli ngunit masaya ang seremonya kung saan nagkaroon ng simbolikong paghahati ng “cake” at “kissing of the newly weds”. Nanalong “longest kisser at oldest couple” ang mag-asawang Francisco at Natividad Ugdoc ng Bgy. Tagburos na 83 at 79 taong gulang. Nagwagi sila ng espesyal na premyo sa dalawang kategorya na iniabot ng Unang Ginang Ellen M. Hagedorn. Mayroon ding mga regalong ibinigay sa lahat na ikinasal.
Matapos ang kasalan , nagtanim na ng bakawan ang mga mag-asawa kasama ang alkalde at mga panauhin. Pinagsaluhan din nila ang pagkain inihanda bago inihatid pag-uwi sa kani-kanilang barangay.
Ang Love Affair With the Nature ay taunang pangkalikasang gawain ng pamahalaang panlungsod na sinimulan pa noong 2003 . Layon nito na pagyabungin ang mga kabakawan upang maging tahanan ng mga lamang dagat at mapanatili ang balanse ng ekolohiya.(amie bonales)

Article Type: 
Categories: