CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Jan. 20 CIO - Ginanap ang fellowship dinner for Jeju, South Korea Officials noong January 13, 2017 sa Ambassador Hall ng City State Asturias Hotel. Ang mga Jeju Officials na dumalo ay sina Jeju Special Self-Governing Provincial Council Mr. Yong-Beom Kim at Korea Development Chamber, chief of Planning & Coordination Division Mr. Hyun- Sang Park. Kasama di nila ang mga investors mula sa Korea Bio Farm Incorporated o KBF na kinabibilangan nila CEO David Kim, Jay Kang, Hong Khang Min Her, Sarah Kang, Elise Kang, at Peter Kim.
Sa simula ng programa ay umawit ang Puerto Princesa City Choir ng awiting panalangin na sinundan ng pambansang awit ng Pilipinas. Inawit din ang Korea National Anthem. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Lt. Gov. Elect Grace Abdon-Arambulo ng Kiwanis International Philippines Luzon District. Pinasalamatan at mainit niyang tinanggap ang mga bisita sa kanilang pagpunta sa Lungsod ng Puerto Princesa. Nagbigay ng cultural dance show ang Banwa Dance and Arts. Habang kumakain ng hapunan ang mga dumalo ay kumanta ng mga folk songs ang City Choir.
Sa mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sinabi niya na interesado siya na magkaroon ng sister city relationship ang lungsod at ang Jeju Island. Dagdag pa niya na ang tourism industry ay nagdadala ng job opportunities at nage-generate ng ekonomiya. Ipinakilala ni Mr. David Kim ang kanyang mga kasamahan mula sa KBF. Nagbigay naman ng kaalaman patungkol sa kumpanya ng KBF si Ms. Jay Kang. Ipinakita din ang mga video ng Jeju Island at Busan City. Sinundan ito ng maikling mensahe mula kay Mr. Yong- Beom Kim.
Nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Understanding sa interest na maging sister city ang Jeju Island at Puerto Princesa City. Naging saksi sa pirmahan ng MOU si Vice Mayor Luis Marcaida III, mga city councilors na dumalo, Department Heads ng City Government, bisita mula sa Kiwanis International at PPC Chamber of Commerce & Industry. Matapos ang pirmahan ay nagkaroon ng exchange of tokens sina Mayor Bayron at Mr. Yong-Beom Kim. Sa huli ay nagbigay ng closing remarks si Ms. Annabelle Ong ng Chamber of Commerce.
Ang Jeju Island at Puerto Princesa City ay parehong mga tahanan ng 2 sa napiling 7 New Wonders of Nature. Inaasahan na mas magiging maganda ang ugnayan ng Jeju Is. at PPC dahil sa nalalapit na pagbubukas ng international airport sa lungsod ngayong taon.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |