CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct. 14 CIO - Sa tulong ng Puerto Princesa Chamber of Commerce ay nailagay na ang feedbox lodged sa New City Hall Complex nitong Oktobre. Isa ang feedbox lodge sa apat na integrity mechanism ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng I4J Project o “Partnerships for Integrity and Job Creation – Local Governments and Civil Society Cooperate for Integrity and Transparent, Effective Small Business Registration and Promotion Procedures”.
Sa pamamagitan ng feedbox ay maipararating ng bawat kliyente ng pamahalaan ang kanilang saloobin at suhestiyon sa uri ng serbisyong natatanggap mula sa kawani ng gobyerno. Ayon kay City Administrator Atty. Elena Rodriquez, ang feedbox ay isang integrity barometer para sa pamahalaan. Magiging batayan ito ng tiwala ng mamamayan sa gobyerno.
May nakalaang feedbox forms na pagsusulatan ng saloobin o suhestiyon sa feedbox lodge. Regular itong kokolektahin upang pormal na mai-report sa alkalde at integrity circle para sa tamang pag-analisa at desisyon dito.
Ang pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ay kabilang sa tatlong siyudad at probinsiyang pilot areas ng I4J project sa bansa. 2014 ng una itong inilunsad sa bansa na may layuning bumuo ng integrity mechanism o pamamaraan upang sukatin ang katapatan at dangal ng pamahalaan sa pagtupad ng mandato nito. Maging modelo ng malinaw at epektibong rehistrasyon at promosyon ng maliliit na negosyo sa lungsod na magdadala ng maraming oportunidad ng trabaho at kaunlaran. Katuwang ng lokal na pamahalaan ang mga negosyante at civil society.
Ang I4J project at tatlong taong proyektong itinataguyod ng European Union at German Federal Ministry for Economic Cooperation sa pamamagitan ng Konrad-Adenauer Stiftung katuwang ang European Chamber of Commerce of the Philippines(ECCP), Centrist Democracy Political Institute(CDPI), League of Cities of the Philippines(LCP), League of Municipalities of the Philippines(LMP) at League of Provinces of the Philippines(LPP).(mae)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |