CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa July 14, CIO - Marami ang nangangarap na makapasok sa Philippine Military Academy (PMA) at maging opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Subalit, hindi madaling makapasok sa PMA, nararapat kang makapasa sa pamantayan ng akademya at sa ibinibigay na pagsusulit.
Kaugnay nito ay itinakda ang eksaminasyon sa Agosto 3, 2014 para sa mga nais na pumasok ng akademya. Ang sinumang aplikante ay dapat natural born filipino citizen, physically fit at of good moral character, walang asawa at hindi pa ikinakasal, high school graduate at walang administrative at criminal case.
Ang mga lalaki at babaeng aplikante ay dapat hindi bababa sa limang talampakan at hindi lalampas ng 6 feet 4 inches ang height.
Ang sinumang papalarin ay makakapasok sa PMA sa Abril 1, 2015. Kung kaya’t sila ay dapat ipinanganak mula Abril 1, 1993 hanggang Abril 1, 1998.
Itinakda ang eksaminasyon sa Agosto 3, 2014. Kasama ang Puerto Princesa sa mga examination centers gayon din ang Manila, Quezon, Baguio, Laoag, Dagupan, Tuguegarao, Cabanatuan, Tarlac, San Fernando Pampanga, Calapan, Lipa, Lucena, Legaspi, Naga, Bacolod, Iloilo, Cebu, Dumaguete, Tagbilaran, Catbalogan, Tacloban, Zamboanga, Butuan, Cagayan de Oro, Ozamis, Davao, General Santos, Tacurong, Iligan at Cotabato.
Ganundin sa Bontoc Mountain Province, Bayombong Nueva Viscaya, Kalibo Aklan, Jolo, Batanes at Tawi-Tawi.
Ipadala ang inyong kanilang application form sa Office of Cadet Admission, Philippine Military Aacademy, Fort General Gregorio H. Del Pilar, Baguio City 2602 ng hindi lalampas sa Agosto 1, 2014.
Dapat kalakip nito ang NSO copy ng birth certificate at certified true copy ng high school form 137.
Ang sinumang interesaddo ay maari ring magpasa online sa http: //www.pma.ph.
Makakakuha ng application forms sa City Information Department.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |