CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Patuloy na pina-iigting ng Department of Health(DOH) ang pangako nitong pananatilihin ang bansa bilang polio free-country gayon din maalis ang measles nitong nakaraang 2014. Naisagawa ito sa pamamagitan ng mass vaccination campaign noong September 1-30, 2014 sa buong bansa. 11 milyon bata ang itinakdang bilang na mabakunahan ng Measles-Rubella at  at 13 milyon para tumanggap ng Oral Polio Vaccine(OPV). Sa MIMAROPA Region 339,520 na mga batang nag-eedad 9-59 months ang target para sa measles-rubella at 398,566 mga batang nasa pagitan ng 0-59 months para sa OPV.

 

Kinilala ng DOH Regional Office ang City Health Office sa 89% accomplishment sa pagbakuna ng measles-rubella at 89% accomplishment sa Oral Polio Vaccine na naidagdag nito sa talaan ng DOH Region IV. Patunay ito na seryoso ang DOH Region IV sa laban nito na mapanalunan ang measles at mapanatiling polio free ang bansa.

 

Kaugnay nito pinasalamatan at pinapurihan ng Department of Health sa pamamagitan ng DOH Region IV ang Lungsod ng Puerto Princesa at City Health Office sa isang liham kay Mayor Lucilo Bayron. Ang pambihirang suporta at “commitment”na ipinakita ng City Health Office sa mass vaccination campaign ay lubhang nakatulong sa DOH.

Article Type: 
Categories: