CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov.23 CIO - Magkaisang pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyon No. 1334 sa 119th Regular Session ng 14th Sangguniang Panlungsod na pinagbabawalan ang mga driver ng public utility vehicles na manigarilyo habang nagmamaneho ng kanilang sasakyan sa lansangan ng Lungsod ng Puerto Princesa .

 

Ayon sa mga pag-aaral lubhang nakakasama sa kalusugan ang “second hand smoke” o pagkalanghap ng usok mula sa sigarilyo. Sa tuwing ang driver ay naninigarilyo habang nasa biyahe, ang bawat pasahero ay nakakalanghap ng usok mula sa kanyang sigarilyo na nagkakaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng kanyang pasahero. Ito ang nagbunsod kay Konsehal Matthew K. Mendoza, Assistant Majority Floor Leader upang ipasa ang Resolution No. 1334 na nagbabawal sa mga driver ng tricycle, multicab, bus at dyip na manigarilyo habang nasa biyahe.

 

Samantala ayon kay Acting  City Information Officer Richard Ligad, ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ay may pinatutupad na anti-smoking legislations tulad ng Republic act No. 8749, kilala bilang Philippine Clear Air Act of 1999, City Ordinance No. 57-93 o mas kilala bilang Anti-Smoking Ordinance of 2003 at Ordinance No. 278 ang  Clean Air Ordinance of the City of Puerto Princesa upang mapanatili ng lungsod ng pagiging “smoke free city”. (rada)

Article Type: 
Categories: