CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, July 25 CIO - Ginanap ang Citizen’s Satisfaction System Survey Utilization conference noong july 8, 2014 sa Aziza Paradise Hotel. Bilang tugon sa ipinadalang invitation letter ni City Department of the Interior and Local Government (DILG) Director Rey Maranan.
Ito ay kaugnay sa isinagawang survey ng Western Philippines University (WPU) sa ilalim ng pangangasiwa ng DILG –Bureau of Local Government Supervision (BLGS) sa mga mamamayan ng lungsod ng Puerto Princesa. Layunin ng survey na makakalap ng impormasyon upang malaman kung kuntento ang mga tao sa ibinibigay na serbisyo ng mga opisina ng pamahalaang lungsod.
Base sa resulta ng survey, kinilala ang mga opisina na nakapagbibigay ng sapat na serbisyo sa mga mamamayan gayon din ang may kakulangan sa pagpapa-alam ng serbisyo ng opisina. Mahalaga ang resulta ng survey bilang basehan upang malaman ang kakayahan, kapasidad at gaano ka-epektibo ang paglalapit ng serbisyo sa mga mamayan.
Kabilang sa na-survey ay mga magsasaka, mangingisda, guro, clerk, opisyales ng barangay, mga entertainers at marami pang iba.
Ang nasabing conference ay dinaluhan ng mga hepe at kinatawan ng bawat tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Hangad ng Apuradong Administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron na mabigyan ng mataas na kalidad na serbisyo ang mga kliyenteng dumudulog sa bawat opisina ng City Government of Puerto Princesa.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |