CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Kamakailan lamang ay naglagay ng CCTV monitor camera sa ilang mga lugar sa gusaling panlungsod bilang seguridad na rin sa lugar, mga empleyado at mga mamamayang nagtutungo dito.
Binabatikos ng ilan, ngunit nitong ika-20 ng Agosto isang kaso ng nakawan ng helmet sa parking area ng naturang gusali ang naresolba dahil nakita ang aktong pagkuha nito na nai-record sa CCTV monitor camera. Ito ay matapos magreklamo si Ginoong Zosimo Asutilla, empleyado dito na nawawala ang kanyang helmet na naka-lock sa kanyang motorsiklo.
Agad na humihiling si CIO Alroben Goh ng kopya ng kuha ng CCTV simula ng oras na alas otso hanggang sa oras na mawala ito, at dito nakita ang nai-record na insidente ng pagnanakaw ng naiulat na nawawalang helmet.
Nagsagawa naman ng follow up operation ang tanggapan ng Special Operations Group at Civil Security Group kung saan ay nahuli ng mga ito si Marlon Miraflores Y Cabaylo nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Jolo, Roxas, Palawan na nasa kustodiya nito ang nawawalang helmet.
Sa kasalukuyan ay arestado si Miraflores, samantala naibalik na sa may-ari ang nawawalang helmet.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |