CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Jan. 27 CIO - Masiglang lumisan kaninang umaga ang mayroong 705 mga atleta at opisyal ng Puerto Princesa Athletic Delegation para sa 2015 Mimaropa Regional Athletic Association Meet na gaganapin sa Narra, Palawan sa Pebrero 3-7 ng taong kasalukuyan, baon ang mga kataga ng inspirasyon mula sa Punong Lungsod Lucilo R. Bayron.
Sa send-off ceremony na isinagawa sa Palawan National School noong nakaraang sabado inihabilin ni Mayor Lucilo R. Bayron sa mga manlalaro ng siyudad mula sa mga paaralang elementarya at segundarya na hindi lamang ang tagumpay ang dapat pagtuunan sa 5-araw na kumpetisyon kundi ang pagpapalawak ng pakikipagkaibigan at pakikisama sa mga kapuwa manlalaro mula sa ibang delegasyon kundi ang pagpapanatili ng disiplina na siyang tatak ng kabataang Puerto Princesa.
Bagama’t pinapangarap ng city delegation na makopo ang overall championship sa elementary at secondary levels sa taong ito ipinaalaala ng alkalde sa mga atleta ang pagiging mapagkumbaba sa makakamtang panalo at maging maginoo sa pagtanggap ng pagkatalo ang mas mahalaga.
Binigyang-diin ni Mayor Bayron na dapat pahalagahan ng mga kabataan ang mga matutunan sa mga paligsahan upang maging gabay sa mga susunod pang patimpalak na lalahukan.
Matatandaan na ang kampeonato sa dalawang kategorya ng palakasan ay matagal na iningatan ng Palawan Delegation subalit ang korona sa secondary division ay naagaw ng Puerto Princesa noong nakaraang taon sa Boac, Marinduque ang unang regional sports competition sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Bayron.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |