CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa July 28 CIO - Bilang pagpapalakas sa mga Barangay Libraries na nasa malalayong lugar dito sa lungsod, nagsagawa ng tatlong (3) araw na pagsasanay at paglilimbag ng kaalaman ang mga barangay librarians na nakatalaga dito. Ito ay nagsimula noong ika-22 hanggang ika-24 ng Hulyo taong kasalukuyan
Nakapaloob sa taunang pagsasanay na ito ang mga sumusunod na topiko: Projecting Professional Librarian Image, Overview of the Barangay Library Program, Roles & Responsibilities of Barangay Library Aides & Barangay Councils, The Acting & Reading Techniques in Storytelling, Technical Aspects of the Library, Disaster Preparedness Orientation & Seminar, Earthquake Drill, Disaster Management for Library: Emergency Preparedness, response & Recovery, Coping Up with Information Technology in Barangay Libraries. Matapos ang tatlong araw na talakayan, bilang pagtatapos ay nagsagawa ng Assessment & Evaluation ang pamunuan ng City Library sa pamamagitan ni Ms. Joymarie B. Olape ang itinalagang City Librarian at Program Manager ng Barangay Library Program.
Naging panauhing tagapagsalita sina: Ms. Ma. Ligaya H. Bonales ng City Information Department, Ms. Vivien F. Banzuelo ng City Planning & Development Office, kawani ng Bureau of Fire Protection at Ms. Joymarie B. Olape ng City Library.
Inaasahan na sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay ay lubos na malilinang ang kaalaman ng mga barangay librarians upang makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan. Layunin ng pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron sa ilalim ng mga programa ng Apuradong Administrasyon ang pagpapalakas ng mga kawani na direktang nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan. (normalyn)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |