CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Dec. 28 CIO - Nakamit ng Barangay Inagawan ang ika-limang pwesto sa Search for Regional Outstanding Barangay Nutrition Council sa katatapos na Regional Nutrition Awarding Ceremony na ginanap sa Hotel Jen Manila, Pasay City kamakailan.
Ang naturang parangal ay iginawad ni Ms. Carina Z. Santiago, Regional Nutrition Program Coordinator, Department of Health MIMAROPA Director Eduardo C. Janairo at iba pang bumubuo ng technical working group ng rehiyon. Tinanggap ang plake ng pagkilala ni Committee on Health Councilor Roy Gregorio Ventura bilang kahalili ni Mayor Lucilo R. Bayron katuwang si City Nutrition Action Officer Ms. Estella May Rodriguez.
Naging kinatawan ng lungsod ang nasabing barangay matapos makakuha ng mataas na rate, sa ginawang ebalwasyon ng City Nutrition Program Coordinator, Health Workers, City Nutrition Council at iba pang ahensya. Ilan sa mga kasamang barangay na sinuri ay ang barangay Sta. Lourdes, Tiniguiban, San Manuel, San Jose, San Rafael, Langogan, Macarascas, Manalo, Kamuning, Bacungan, Cabayugan, San Pedro.
Pinagbasehan ng rate ang record ng barangay kung malinis, maayos, dokumentado ang mga aktibidad at takbo ng programa lalo’t higit sa rehabilitasyon ng mga malnourish na kabataan at kabuaan ng barangay.
Una ng tumanggap ng Green Banner Award mula sa lokal na pamahalaan ang barangay Inagawan barrio ngunit tumigil at humina dahil sa problema ng labas-pasok ng mga tao sa barangay na hindi matukoy kung saan ang pinanggalingan. Naging suliranin din ang mga magulang na tila gustong manatiling underweight ang kanilang mga anak dahil sa tuloy tuloy na suplay para sa mga ito.
Samantala nakakuha naman ng unang pwesto ang Bgy. Puting Buhangin, Boac Marinduque pumangalawa ang Bgy. New Agutaya, San Vicente Palawan pangatlo ang Bgy. San Agustin, San Jose Occidental Mindoro at pumang-apat ang Bgy. Suqui Calapan City.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |