CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Jan. 18 CIO - Itinalaga bilang bagong Officer In Charge ng Puerto Princesa City Police Office o PPCPO si PSSupt. Redentor Jaurigue Marañon sa ginanap na Turn-Over of Office Ceremony nitong, January 13, 2016 sa Tanggapan ng Pulisya ng Lungsod.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagkanta ng pambansang awit ng Pilipinas na sinundan naman ng panalangin mula kay Pastor Jehu Cayaon. Si PSupt. Kirby John Kraft ang nagbasa ng termination and designation orders. Nagbigay naman ng mensahe at relinquishment of office ang outgoing OIC ng PPCPO na si PSSupt. Ariel C. Celino. Sinundan naman ito ng pagbasa at pagpirma ng Assumption of Office mula sa bagong Officer in Charge ng PPCPO na si PSSupt. Redentor Jaurigue Marañon. Sa mensahe ni PSSupt Marañon, sinabi niya na ito ay isang di inaasahang pagbabago sa kanya ngunit di niya maitatago ang kasiyahan at pasasalamat. Nangako siya na gagawin niya ang kanyang tungkulin at maglilingkod sa abot ng kanyang kapabilidad.
Pinangunahan naman ni MIMAROPA Regional Director PCSupt. Ramon Colet Apolinario ang paglipat ng office symbol, property book & equipment inventory mula kay PSupt. Celino papunta kay PSSupt. Marañon.
Naging panauhing pandangal sa nasabing ceremony si Punong Lungsod Lucilo R. Bayron. Sa kaniyang mensahe sinabi niya na nakakaranas ng rapid urbanization ang lungsod at kalakip nito ang mga panibagong hamon sa lungsod lalo na pagdating sa peace and order situation. Kaya naman ninanais niya na mas maging visible ang mga kapulisan sa mga designated areas. Gusto na rin apurahin ni Mayor Bayron ang pagdeliver ng mga naipangakong police vehicle units na ngayon ay nasa proseso na. Nabanggit din niya ang planong bumili ng maliliit na police cars para mas lalo pang maging visible ang mga pulis. Itinuturing na kapartner ng Punong Lungsod ang mga kapulisan tungo sa kaunlaran ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Natapos ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng PNP hymn at Pulis MIMAROPA hymn.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |