CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Peb. 8 (PIA) -- Inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ang supplemental budget para sa taong 2012 na nagkakahalaga ng P742.6 milyon na gagamitin sa pagpapatayo ng bagong city hall ng lungsod.

Ayon kay City Administrator Agustin Rocamora, nagmula sa pinagsamang utang ng pamahalaang panglungsod sa Land Bank of the Philippines at ng buwis ng mamamayan na naipon ng lungsod.

Apat na palapag ang ipapatayong gusali, kasama ang tanggapan ng pamahalaang panglungsod at ng sanggunian.

Inaasahang masisimulan agad ang konstruksiyon nito sa lalong madaling panahon upang mas lalo pang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga mamamayan ng lungsod. (OCJ/PIA4B-Palawan)

By Orlan C. Jabagat

 

 

Article Type: 
Categories: