CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, May 31 CIO - Pormal ng binuksan noong Mayo 19 ang Amos Tara!, isang pasilidad na matatagpan sa Abad Santos St. ng lungsod na maaring magsagawa ng testing at referrals para sa dumaraming kliyenteng nangangailangan ng serbisyo may kaugnayan sa HIV(Human Immunodeficiency Virus).

 

Ang Amos Tara! ay magbibigay ng libre, mabilis at kombinyenteng “HIV assessment” at pagbibigay ng tamang impormasyon para sa mga nais na magpa-eksamin at ituturo ang tamang pamamaraan at estratehiya upang maiwasan at kontrolin ang pagkalat ng HIV. Bukas ang Amos Tara! sa pagsasagawa ng HIV testing, pre at post counseling mula miyerkules hanggang linggo, alas 10 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.

 

Batay sa Philippine HIV at AIDS registry, mayroong siyam(9) na HIV positive cases at animnapu’t siyam(69) kaso ng asymptomatic o nagdadala ng virus na walang simtomas sa Lungsod ng Puerto Princesa mula 1994 hanggang sa kasalukuyan. Nakita ito sa pagitan ng 25 -34 taong gulang kung saan 37 dito ay lalake.  Pangunahing dahilan ng paglilipat o mode of transmission ng HIV ay pakikipagtalik sa kapwa lalake.

 

Ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa komunidad pa rin ang mahalagang paraan upang mabawasan ang batik na dala ng HIV sa katauhan ng isang nagtataglay nito.  Ang Amos Tara! ay magbibigay ng napapanahon at mahalagang suporta sa komunidad upang mabawasan ang bilang ng nahahawa ng HIV sa lungsod at ang patuloy na pagdami ng bilang nito.

 

Article Type: 
Categories: