CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Nov.24 CIO - Ginanap ang turn-over ceremony at inauguration ng Inagawan Health and Birthing Station noong November 16, 2014.
Ang Alaga Health Center and Birthing facility ay itinayo sa isang libo metro kwadradong lupain na ipinagkaloob ng Barangay Inagawan sa pamamagitan ni Kapitan Ariel Lacao, sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.
Ang proyekto ay sa pagtutulungan ng Bgy. Inagawan, United Architects of the Philippines Palawan Chapter, Health Futures Foundation Incorporated, Alaga Ka (alay sa ginhawa at kalusugan) Foundation(AFI), at City Government of Puerto Princesa.
Pinasalamatan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang lahat ng nagtulong-tulong upang maitayo ang nasabing health center. Anya, malaki ang maitutulong nito sa Bgy. Inagawan, Kamuning at Inagawan sub.
Sa symbolic turn-over of key, ipinasa ni Dr. Jaime Galvez Tan kay Mayor Lucilo Bayron ang simbolikong susi. Ipinasa naman ito ni Mayor Bayron kay City Health Officer, OIC Dr. Ricardo Panganiban, at sa mga punong barangay ng Inagawan, Inagawan sub, at Kamuning.
Sumunod ang signing ng agreement na ang nasabing health center ay pag-aari ng tatlong nabanggit na mga barangay.
Maliban kay Dr. Jaime Galvez Tan ng AFI, nagbigay din ng mensahe sina Konsehal Matthew Mendoza at Konsehal Roy Gregorio Ventura, Chairman Committee on Health sa Sangguniang Panlungsod.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |