CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Dinagsa ng 654 pasyente ang Medical Mission na handog ng ABS-CBN katuwang ang pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa, Peacok Jaycees at mga kasundaluhan mula sa 8th Marine Batallion Landing Team at Navforwest. Ginanap ang libreng konsulta at pagbunot ng ngipin noong Pebrero 20, 2010 sa Mendoza Park. Ang mga naging pasyente ay kinabibilangan ng mga buntis, sanggol,kabataan , matatanda at katutubo. Binigyan sila ng libreng gamot para sa ubo, sipon, lagnat, alta presyon at bitamina. May karagdagan pa itong mga maliliit na tuwalya, sipilyo, toothpaste, underwears at tsinelas na espesyal na nilaan sa mga nitibo. Sa mga buntis ay ipinamahagi ang ferrous sulfate tablets at ilang panimulang gamit para sa magiging sanggol tulad ng diaper, pulbos,baby bottles at clips. Nakapag-uwi pa rin sila ng ilang pakete ng kape. Limampung mga bata at matandang kalalakihan naman ang nakapagpagupit ng libre na siyang pinagtuunan ng mga sundalo ng Navforwest.
Samantala kaalinsabay nito ang pangangalap ng mga kuwentong buhay ng Maalaala Mo Kaya Production . Mahigit sa 200 sulat ang kanilang nakalap mula Pebrero 19 hanggang 21 .Mula dito ay pipili ng isang istoryang isasadula para sa telebisyon.

Buong pusong nagpasalamat ang grupo mula sa ABS-CBN sa pamunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn at sa iba pang samahan na nasa lungsod sa mga suportang ibinigay sa kanila . Humanga din sila sa ganda at linis ng Puerto Princesa at sa mainit na pagtanggap ng mga tao dito.

Amie H. Bonales: 2010 ABSCBN Medical Mission

 

Article Type: 
Categories: