CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Sept. 16 CIO - Makabuluhan sa 180 katao na nagtapos bilang mga security guards ang seremonyang ginanap nitong Setyembre a-15, 2015 sa Palawan National School -Abueg Gym. Sa impresyong inihayag ng batch commandant na si G. Higinio I. Carlos, ipinahayag niya ang taos pusong pasasalamat sa lahat na mga opisyales at mga tanggapan na nagbigay daan upang sila ay magkaroon ng ganitong pagsasanay. Aniya, binigyan sila ng pagkakataon na umunlad at pag-asang bumuti ang kabuhayan dahil magkakaroon na sila ng matatag na hanapbuhay na pagkukunan ng maitutustos sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.
Isang panghihikayat naman ang ipina-abot ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Ret. PNP Col. Rolando M. Amurao. Anya “dapat ninyong mahalin ang inyong trabaho bilang security guard, dahil ito ay marangal na trabaho kung saan kaayusan ng inyong pinagtratrabahuan at kaligtasan ng mga tao ang inyong mga responsibilidad”
Mga benepisyaryo ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino o 4P’s mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod ang sumailalim sa labinlimang araw na intensibong pagsasanay ng VRV Security Training Institute Incorporated. Ito ay kauna-unahang pagsasanay sa lungsod na tinustusan ng pamahalaang nasyonal. Bawat partisipante ay pinaglaanan ng P9,000.00 mula sa pondo ng Sustainable Livelihood Program ng Kagawarang ng Kagalingang Panlipunang at Pag-unlad o DSWD. Ang nasabing halaga ay sumasakop na sa bayad sa pag-aaral, uniporme at lisensiya. Sinala at piniling mabuti muna ng DSWD kaagapay ang City Social Welfare Development Office ang mga nag-apply ayon sa kriterya kinakailangan upang maging guwardiya bago sumailalim sa nasabing pagsasanay. Buong suporta ang ibinigay ni Ms. Revina J. Sangcopan, Presidente ng VRV Security Training Institute Incorporated sa mga bagong guwardiya kung saan inihayag niya na may naghihintay nang trabaho para sa kanila sa Kamaynilaan at dito mismo sa Puerto Princesa.
Saksi rin sa pagtatapos sina G. Cruzalde B. Ablaña DSWD-SLPProvincial Coordinator, Mrs. Lydia M. del Rosario Acting CSWD Officer, Capt. Garry S. Sibal at Capt. Oscar M. Quilang na sila namang mga training officers. Ang banda naman ng 570th Composite Tactical wing ang nagbigay serbisyo para kinakailangang tugtugin.(amie)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |