CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Inanyayahan ngayon ni City Mayor Lucilo R. Bayron ang mga mamamayan na makiisa sa pagdiriwang ngayon, Marso 21, ng “World Water Day” upang mapagtuun an ang pagpapahalaga ng tubig sa buong mundo sa pamamagitan ng clean-up drive na isasagawa sa ilog ng Irawan ng lungsod.
Inihayag ng alkalde na ang selebrasyon sa Puerto Princesa ay pangungunahan ng City Water District sa ilalim ng pamamahala ni PPCWD General Manager Antonio Jesus Romasanta sa tulong ng mga opisyal at kawani ng ibat’ibang ahensiya ng pamahalaan sa siyudad kasama ang aktibong partisipasyon ng mga estudyante at kabataan, mga samahang sibiko at mga barangay lalo na sa mga nasa karatig ng Brgy Irawan.
Batay sa programa ng ipinarating sa tanggapan nga lkalde, magsisimula ang aktibidad sa Irawan River sa ganap na 6:30 ng umaga kasunod nang isang maigsing programang inihanda.
Binigyang-diin ni Mayor Bayron na kahit minsan man lamang sa loob ng isang taon ay maipagunita sa mga mamamayan ang responsableng paggamit at pagtitipid sa suplay ng tubig laluna na pagpasok ng tag-araw kung saan ay malaking bahagi ng bansa ang naaapektuhan ng El Nino phenomenon.
Ayon sa PPCWD, ang unang yugto ng “World Water Day” ngayon ay paglilinis n a sisimulan sa paanan ng dam patungo sa infiltration gallery upang maalis ang mgadahon, ilang sanga ng mga puno at mga nagkalat na bato upang hindi maging sagabal sa malinis at masaganang daloy ng tubig.
Ipinabatid din kay Mayor Bayron ni GM Romasanta na noong araw ng Linggo (Marso 22) ay nagkakaroon ng song-writing contest sa Robinson’s Mall para sa mga interesadong songwriters na ang pinaka-tema ay ang konserbasyon ng tubig at kahalagahan nito sa bawat isa.
Mayroong nakalaang mga sorpresang gantimpala sa mga mapalad na nagwawagi sa patimpalak sa tulong ng tanggapan ni Mayor Bayron
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |