CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 13 CIO - Hiniling ni Vice Mayor Luis M. Marcaida III, Project Director ng Task Force BANAT (Bayan Against Narcotics, Addiction & Trafficking) ang suporta at kooperasyon ng bawat ahensya na dumalo sa isinagawang inaugural conference nito kamakailan lamang.

 

“Magkaisa tayo at sama-sama nating labanan ang masamang elemento na ito ng lipunan na siyang sumisira sa buhay at kinabukasan ng ating mga kabataan. Kasama ninyo ang inyong bise mayor sa laban na ito.  At hinihiling ko ang commitment ng bawat isa na magiging kaagapay naming kayo sa pagpapatupad ng aming mga mithiin na masugpo ang bawal na gamot na lumalaganap ditto sa lungsod.”  Ito ang mga tinuran ni Bise Alkalde Marcaida sa kanyang ibinigay na mensahe.

 

Samantala, sa ibinigay na ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakatalaga dito sa lalawigan, nangunguna ang lungsod ng Puerto Princesa na umaabot na sa 77 ang talaan ng nasa watchlist personalities.  Ito ay mula sa mga sumusunod na barangay:  Tiniguiban, Sta. Monica, Bancao-Bancao, Irawan at San Miguel.

 

Ang Task Force Banat ay mahahati sa dalawang elemento --- ang grupo na siyang magsasagawa ng massive information drive sa mga eskwelahan, ahensya at ilang malalaking mga establisimiento sa lungsod. At ang isang grupo naman ang mamamahala sa pagpapatupad ng batas at kasama na ang paghuli sa mga positibong gumagamit, nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

 

Naging matagumpay ang naturang Inaugural Conference dahil dumalo, nagpakita ng suporta at lumagda sa Memorandum of Understanding na magiging kaagapay ang kanilang mga ahensya sa pagsulong ng adhikain ng Task Force BANAT.  Ito ay ang mga sumusunod: City PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), Western Command, Philippine Coastguard, PNP-Maritime, mga unibersidad sa lungsod, miyembro ng Palawan media, at ilang piling ahensya/special program ng pamahalaang lungsod.(nad)   

Article Type: 
Categories: