CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 20 CIO - “Umaapila ako sa lahat ng sektor ng ating lungsod…Magkaisa tayong lahat! Let us act together as a team…let us act wisely, let us act with courage and let us act unselfishly.  Huwag nating uunahin ang sarili natin.  If we do, we can save a future that Puerto Princesans rightfully deserved.”   Ito ang panawagan ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron sa kanyang kauna-unahang State of the City Address noong ika-16 ng Agosto taong kasalukuyan.

 

Nagbigay-ulat ang Alkalde sa kasaluyang estado sa pananalapi ng Pamahalaang Panlungsod na sa kabila ng kakulangan ay ginagampanan nito ang kanilang tungkulin na makapag-hatid ng serbisyo sa mga mamamayan.  Ilan sa mga naisagawa nan g Apuradong Administrasyon sa loob lamang ng apatnapu’t anim na araw ay ang mga sumusunod:  ang pagsasaayos ng pagpapatakbo ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng pagbuo ng grupo na kakatawan nito na mayroong integridad at nanggigigil na maglingkod; nakapagpalabas nan g 27 Executive Order upang maiayos ang bureakrasya sa pamahalaang lungsod; nagkaroon ng pinaka magandang parking area para sa mga kliyente nito at maiparamdam ang pagpapahalaga sa mga taumbayan na nagbabayad ng buwis; pagkakaroon ng Stakeholder’s Forum at pagsasaayos ng Bids and Awards Committee kung saan magkakaroon ng standard price lists ang mga lehitimong suppliers; binuo ang Task Force BANAT upang mabigyang solusyon ang problema sa ipinagbabawal na gamot. 

 

Samantala, ipinarating din ni Mayor Bayron ang accomplishment ng Bantay Gubat at Bantay Dagat kung saan nakasabat ng humigit kumulang sa 10,000 board feet na iba’t ibang iligal na pinutol na kahoy at 3 commercial fishing boats at 6 na pumpboats na gumagamit ng iligal na pamamaraan sa pangisda.

 

Sa usapang pangkalinisan, nagkaroon ng muling paglulunsad ng Oplan Linis program kung saan mahigit sa 5, 380 ang naging partisipante nito.  Nakahuli na ng 182 anti-littering violators at patuloy ang information drive na isinasagawa nito sa mga eskwelahan sa lungsod.

 

Siniguro naman ng Punong Lungsod, na sa mga susunod na taon ay magkakaroon ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang lungsod ang mga senior citizens at persons with disability.  Patuloy din ang pagtulong sa mga karapat dapat na mga mag-aaral na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.  Muling bubuhayin ang “bayanihan spirit” sa bawat barangay, purok sa lungsod.

 

Ang lahat ng ito ay maisasakatuparan sa pagkakaisa, pagtutulungan at kooperasyon ng bawat lider, samahan, mamamayan ng Puerto Princesa.  (nad)   

Article Type: 
Categories: