CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

    Puerto Princesa, Aug. 20, CIO - Aktibo ang grupo ng Bantay Dagat sa patuloy na panghuhuli sa mga lumalabag sa batas ng karagatan sa Lungsod,  sa  kabila ng katotohanan na sila ay kumikilos kahit walang sariling sasakyang pandagat para tugusin ang mga illeglista sa karagatan.

     Ito naman ang madamdaming pahayag ni Bantay Dagat Program Manager,  Retired Police Superintendent Alejo P.  Acosta sa kanyang pagharap sa isinagawang Oras ng Pagtatanong sa Session ng Sangguniang Panlungsod kamakailan.

Ayon kay Manager Acosta, kinakailangan pang mag arkila sila ng pribadong pumpboat para puntahan ang mga area na itinuturong may nagsasagawa ng illegal fishing tulad ng paggamit ng compressor at cyanide. Napag alaman din ng Konseho sa ginawang pagtatanung ni Konsehal Eleutherius Edualino na ang grupo ng Bantay Dagat ay wala ni isa man sa kanila ang naisyuhan ng long and short firearm para sa epektibong pagpapatupad ng batas at maging gamit sa pagdepensa sa kanilang sarili sa oras ng kagipitan. Iminungkahi naman ni konsehal Edualino ang agarang pagpapatupad ng bantay dagat sa ordinansa na may kaugnayan sa illegal fishpen o baklad na inilalagay sa mga lugar na idineklarang Marine Sanctuary .  Samantala, iniulat naman ni  bantay dagat Mgr. Acosta ang pagkakahuli ng kanilang grupo sa limang katao na aktuwal na nagsasagawa ng operasyon sa paggamit  ng Compressor sa karagatan ng Lungsod ng Puerto Princesa.(erada)

 

Article Type: 
Categories: