CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 20 CIO - Dalawang resolusyon na may kaugnayan sa prangkisa ng pasabong sa Lungsod ang ipapasa sa Sangguniang Panlungsod, para maisaayos ang pagdaraos ng itinuturing na Filipino past time game sa ating bansa, ang Sabong .

     Ito ang nakapaloob sa Committee report ni Konsehal Peter Q. Maristela Chairman ng Ways and Means sa kapulungan ng konseho sa isinagawang ika walong sesyon ng 14th   Sangguniang Panlungsod.

     Ayon kay Konsehal  Maristela,  sa kasalukuyan wala pa umanong ibinibigay na prangkisa ang Lungsod sa sinumang indibidual o grupo na may kaugnayan sa pasabong. Ito rin umano ang nagiging dahilan kung bakit naglipana ang mga illegal na tupada sa bawat sulok ng barangay, maging ang paggamit ng fund raising sa panahon ng kapistahan ng bawat barangay ay walang maituturong permanenteng  cockpit area  para pagdarausan ng pasabong ng bayan. Malaki umano ang maipapasok sa kaban ng pananalapi ng lungsod kung maibibigay ang prangkisa.

     Ang bagay na ito ang siyang nagbunsod naman kay konsehal Gregorio Q. Austria,  Member ng Committee on Games and Amusements para magpasa ng dalawang resolusyon sa konseho na naglalayon na atasan  ang City Bids and Awards Committee na kilalanin na sa mga hanay ng  aplikante ang bibigyan ng legal na Prangkisa para sa pasabong  na gaganapin sa Lungsod. Kasama din ang isang  resolusyon na nagbibigay utos sa mga law enforcers na ipatupad ng buong higpit ang batas kaugnay sa illegal na pasabong o tupada sa mga barangay na walang kaukulang permiso nagmumula sa Pamahalaang lungsod.(erada)  

Article Type: 
Categories: