CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

     Puerto Princesa, Sept. 20 CIO - Hiniling ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron ang dalawang libong slots para sa City Scholars sa pamunuan ng Palawan State University para sa maralita ngunit matatalinong mag aaral dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

     Ito ang pinaalam ni Violeta Dalonos, Executive IV at siyang humahawak ng programa para sa City Scholarship Program. Ayon kay Dalonos kung matutuloy ang naturang proposal  at pahintulutan ng Administrasyon ng PSU sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Dr. Jeter Sespene na mabigyan ng slots for scholarship,  isang malaking tulong ito sa maralitang taga lungsod pero deserving students. Sa kasalukuyan, ang City scholars ay kinabibilangan ng Regular 343 College Scholars, Indigenous People scholars 30, at ang NAGAO Natural Environmment Foundation na mayroong 17 scholars.

Ipinaalam din ni Ms. Dalonos na ang dating Puerto Princesa City Government Educational Assistance Program o PPCGEAP ay na abolished na at isinama sa City Scholarship Program.(erada)

Article Type: 
Categories: