CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, July 31 CIO - Malaki ang maitutulong ng media upang mas mapaigting ang kampanya ng National Nutrition Council(NNC) sa malawak na information dissemination ng mga programang pang nutrisyon, ito ang naging buod ng media forum na ginanap sa City Water District Office, nitong hulyo 29.
Ayon kay Ed Javarez, president ng Alyansa ng Palawenong Mamahayag Inc. (APAMAI) sa lungsod, ang mas maigting na pagtulong ng mamahayag ang hiniling ng National Nutrition Council upang malawak ang maaabot sa pagbibigay ng impormasyon at kaalaman para labanan ang patuloy na pagdami nga mga batang malnourish sa lungsod. Nababahala umano ang NNC sa datus ng nutrisyon na tumaas mula noong 2010 hanggang kasalukuyan. Matatandaang ilang beses nang green banner awardee ang Puerto Princesa, kaya’t sinisikap na mapigilan ang patuloy na tumataas ang bilang ng batang malnourish dito.
Nangako naman ang APAMAI na tutulong sa pamamagitan ng libreng plugging sa radio ng mga info materials mula sa NNC at ads sa diaryo. Tatalakayin din sa programa sa radio ang usaping pang nutrisyon at kalusugan.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |