CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, August 01, CIO - Umaabot sa labing limang operation functions ang isinagawa ng grupo ng KAAC o Kilos Agad Action Center sa loob lang ng dalawang linggong operasyon nitong buwan ng hulyo. Sa isinumiteng patients assessment report sa tanggapan ng impormasyon ng lungsod ni John Andrew M. Russel, Project Manager ng KAAC, lima ang emergency cases with transport mobility, pito ang non-emergency transport tulad ng pasyenteng hirap sa paghinga, pagkahilo, pag taas ng presyon ng dugo, pregnancy related cases at hospital transfer. Kasama rin dito ang dalawang vehicular accident with emergency transport. Kinilala naman ng KAAC ang biktima sa aksidente na si Miguel Badajos, 38 years old residente ng Bancao-bancao lungsod ng Puerto Princesa. Si Badajos ay nagtamo ng maraming sugat sa ulo, kamay at tuhod matapos maaksidente ang sinasakyan nitong motor bandang alas dose ng tanghali sa panulukan ng Pineda San Pedro.
Samantala, nagtamo rin ng sugat sa katawan sina Jaime Guinto at Jun Alyan pawang residente ng Apurawan, Aborlan, matapos mapasama din sa vehicular accident ang kanilang sinasakyan malapit sa kanto ng Manalo at Fernandez St., barangay Tanglaw.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |