CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, July 25 CIO - Positibo sa Red Tide toxin ang Honda Bay ng lungsod, ito ay base sa isinagawang pag-monitor ng Bureeau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR) at City Agriculture Office(CAO) sa shellfish sample galing dito. Lumalabas sa resulta na umaabot sa 108 micrograms/100 grams ang Paralytic Shellfish Poisoning(PSP) toxin level at lubhang  mataas sa itinakdang basehan ng ahensiya

 

Kaugnay nito, upang maiwasan ang posibleng pagkalason pinapayuhan ang lahat na iwasang kumain, humuli o bumili ng mga lamang dagat tulad ng tahong, talaba, halaan, kabiya, bakalan, taklobo,abaniko ( sun and moon shell o asia scallop) at iba pang uri nito, maliban sa isda mula sa Honda bay hanggang hindi pa nakakasigurong ligtas ng kainin ang mga lamang dagat mula dito.

 

Samantala, ang sintomas ng pagkalason ng red tide toxin ay pamamanhid ng mukha at paligid ng bibig, pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng ulo, paralysis ng kamay at paa, panghihina, mabilis na pulso, hirap sa paglunok, pananalita at paghinga. Ito ay karaniwang nararamdaman tatlumpong minuto pagkaraang kumain ng kontaminadong shell fish. Gayon din, ligtas kainin ang isda mula sa Honda Bay kailangan lamang siguruhing sariwa ito at linisin o alisin ang hasang at bituka bago iluto.

 

Siniguro naman ng BFAR at CAO ang patuloy na pag-monitor sa Honda Bay upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente ng lungsod.

 

Article Type: 
Categories: