CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

 

    Puerto Princesa, Sept. 16 CIO -  Puspusan ang kampanya ng grupo ng Bantay Gubat, Southern Component kaugnay sa illegal cutting ng banned species sa halamang gubat at punongkahoy.

      Ayon kay Manuel Romasanta III, Program Manager ng bantay Gubat, dalawang magkasunod na apprehension ang kanilang naisagawa nitong September 10,  2013 sa Sitio Tacduan, Barangay Inagawan - Sub, lungsod ng Puerto Princesa. Batay sa impormasyon,  merong ulat na nagkaroon ng illegal na pamumutol ng bakawan sa sitio Tacduan , agad umanong binuo ni Mgr. Romasanta ng bantay gubat ang isang team kasama ang PNP personnel mula sa bgy. Irawan station , pinuntahan nila ang nasabing lugar  at nakumpirma ng grupo ang naturang report ng  aktong mahuli si Charlie T. Bucog, nasa hustong taong gulang bandang alas onse ng umaga  na  walang habas na pumuputol ng bakawan sa loob mismo ng mangrove area ng Tacduan. Umaabot sa walumput tatlong piraso ng bakawan at talisay round timber na may kabuuang volume na 4.0665 cubic meters, 25 stamps bakawan 2.6 cubic meter at isang piraso na kabig ipil bolo na may kabuuang  halagang 24, 530.

     Nahuli din sa naturang operasyon bandang alas dos ng hapon nung araw ding yun si Jorge F. Vargas, nasa kanyang possession  ang mayroong 43 pieces gemelina lumber, isang piraso ng kasko ng Bangka mararanggo species na aabot sa 170.32 board feet at 37 pieces of round timber assorted. Ang dalawa ay nahaharap sa kasong criminal in violation of section 77 formerly section 68 of PD. 705 as amended by Executive order no. 277 series of 1987 and Republic Act 7161 known as a Local government Code. Samantala, patuloy namang nagbabala si Romasanta sa lahat ng illegalista na tigilan na ang illegal na gawain  dahil ang kanilang grupo ay hindi titigil sa pagmonitor at manghuli ng mga lumalabag sa batas tungkol sa kalikasan.

Article Type: 
Categories: