CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Sept. 4 CIO - “Hakbang para sa Turismo” , ito naging tema na pambungad na gawain para sa pagdiriwang ng buwan ng Turismo na ginanap noong Setyembre 1, 2013.  Mula sa Mendoza Park pinangunahan ni Kgd Mathew Mendoza ang paglalakad hanggang sa Baybay.  Kasama niya sina City Tourism Officer Rebecca V. Labit at mga kawani ng City Tourism Office , ATO manager Cynthia Tamano, PPA Police Supt. Marcelo Lusuegro at City Tourism Council Acting President Ed Ahorro.  Andoon din ang mga Tourist Police sa pamumuno ni CI Janet  Nieves, ilang guro at mga mag-aaral ng BS HRM ng iba’t-ibang paaralan at mga panturismong  samahan.

Sa pagbating mensahe ni CTO Labit, kanyang ipinaalam ang binabalangkas ng mga pagbabago ang pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron  para sa ibayong pagsulong ng industriyang turismo sa Puerto Princesasa . Kabilang dito ang pagsasaayos ng Parking Area ng Sabang Wharf upang mapagsilbihan ng maaayos ang mga bisita.   Hinikayat rin niya ang mga stakeholders na huwag sumuko sa mga dumadaang mga pagsubok , dahil ang turismo aniya ang pinakamagandang nangyari sa Puerto Princesa.

Idineklara naman ni Kgd. Mathew K. Mendoza, Chairman ng Committee on Tourism ang pagbubukas ng Buwan ng Turismo kung saan ipinaabot niya  ang pasasalamat ni Mayor Bayron sa mga suportang nagmumula sa lahat na sektor upang patuloy na umunlad ang industriya.   Ayon pa rin sa Kagawad, nakahanda na ang konseho sa pagbabalangkas ng 10- year -tourism plan ng lungsod.  Ipinahabol pa ni Kgd. Mendoza na may tatlong cruise ship na parating dito sa susunod na taon, dala ang daan-daang turista na magtutungo sa mga pangunahing pook pasyalan. Nangangahulugan diumano ito ng karagdagang kita sa lahat na mga mga negosyante sa siyudad.

Marami pang mga gawain ang nakatakda para sa pagdiriwang.  Ang pagpili ng magiging Mutya ng Tandikan –Turismo 2013 sa katapusan ng buwan ang siyang  pinakatampok at maghuhudyat sa pagtatapos ng nasabing selebrasyon na may pangkabuuang tema na “Tourism and Water: Protecting our Common Future”.

Article Type: 
Categories: