CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, August 13 CIO - Umaabot sa humigit kumulang na 749.83 board feet ng mga Ipil at Malugai ang nasabat ng mga operatiba ng Bantay Gubat (South Sector) sa pangunguna ni Ginoong Manuel Romasanta III, Bantay Gubat-Program Manager (South) noong ika-23 ng Hulyo taong kasalukuyan. Ang mga ito ay inabandona sa bulubunduking bahagi ng Marcelo Uno, Sta. Lucia-Sub Colony.
Ayon kay Ginoong Romasanta, patuloy ang isinasagawang pagpapatrulya ng kanilang grupo at ang pangangalap ng mga impormasyon upang mahuli ang nag-mamay-ari nito sa paglabag sa Section 71 ng PD 705.
Sa kasalukuyan, ang naturang mga pinutol na kahoy na tinatayang umaabot sa halagang P25,056.55 ay nasa pag-iingat ng Bantay Gubat at nakalagak sa compound ng gusali ng Pamahalaang Lungsod para sa kaukulang disposisyon.(nad)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |