CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

May kabuuang 150,000,000.00 metro kubiko na ng maruming tubig mula sa pamilihang bayan at sa Bgy. Tagumpay ang naproseso ng Water Treatment Facility upang maging malinis bago ang tuluyang pagdaloy nito palabas sa karagatan. Sinimulan itong gamitin noong Marso 4, 2009 matapos pasinayaan ang proyekto. Ang mga naipong dumi ay ipinoproseso din ng ng mga naninirahan sa mga katabing barangay upang maging pataba ng mga tanim na gulay at bulaklak sa kani-kanilang bakuran.

Ang nasabing Water Treatment Facility ay isa sa mga programang pang-imprakstraktura na tinustusan ng pamahalaang panlungsod ng P5M sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn na matatagpuaan sa Bgy. Matahimik ng lungsod. Layunin nito na mapangalagaan ang kapaligiran lalo na ang mga daluyang-tubig na karaniwan nagdudumi sanhi ng mga basurang tinatapon dito na nagmumula sa mga kabahayan, palengke at iba pang establisemientong pangkomersiyal. May kakayahan ang pasilidad na maglinis ng 1,000 metro kubikong maruming tubig araw-araw.

Sa ikalawang bahagi ng proyekto naglaan ng P1.5M pondo para sa karagdagang kagamitan at sa pagsasaayos ng lumang tangke ng dating slaughterhouse na siyang pag-iimbakan ng malinis na tubig na gagamiting panlinis at pandilig sa kalapit na tenement housing at baywalk garden. Magtatayo din ng “cistern”, isang kagamitan na pagdadaanan ng tubig upang maging “potable” o maaaring inumin. Maglalagay din ng karagdagang “submersible pump” para sa distribusyon ng tubig patungo sa mga kabahayan at sa mga bahagi ng baywalk.

Ang Water Treatment Project ay itinayo alinsunod sa Republic Act 9275 na tinaguriang The Clean Water Act of 2004 na nag-aatas sa lahat na lokal na pamahalaan na linisin o i-recycle ang mga maruruming tubig upang masawata ang polusyon na nagdudulot ng mga sakit sa mga tao at nagpapadumi ng mga ilog at tabing baybayin.

 

Article Type: 
Categories: