CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Opisyal nang pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod sa Special Session kahapon ang pagdeklara ng State of Emergency sa sektor ng enerhiya sa lungsod ng Puerto Princesa .
Sa ipinadalang urgent letter ni Punong Lungsod Edward Solon Hagedorn sa tanggapan ni Vice Mayor Lucilo R. Bayron, iminungkahi nito ang pagkakaroon ng special session ng Sanggunian para talakayin ang pagdeklara ng State of Emergency sa power sector. Ayon kay Hagedorn, tatlong taon na ang nakakalipas nang irekomenda ng lungsod sa Palawan Electric Cooperative ang posibleng karagdagang (15) megawatts dahil na rin sa inaasahang paglaki ng pangangailangan ng supply ng kuryente dito sa lungsod. Sa kasamaang palad, ito ay di man lang isinaalang- alang ng pamunuan ng Paleco noon. Batay sa Section 16 ng Republic Act 7160 known as Local Government Code. Ang gobyernong lokal ay may kapangyarihan na magsagawa ng epektibong pamamahala para sa kapakanan ng mamamayan.
Dagdag pa ni Hagedorn, sa darating na ika pito ng hulyo pa lamang mag uumpisa ang bidding para sa karagdagang power supplier pero sa susunod pa buwan ng Setyembre maaaring makapagbigay ng sapat na karagdagang kuryente ang bagong power generator na mananalo sa bidding.
Sa loob ng mahigit sa isang taon kung mananatili ang ganitong sistema, patuloy na makakaranas ang kakulangan ng supply ng kuryente sa lunsod. Kaugnay nito, kasama ring inaprubahan ng konseho ang isa pang resolusyon na humihiling kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino na magbigay ng direktiba sa Departamento ng Enerhiya para bigyan ng pahintulot ang lungsod na magkaroon ng Interim Electric Power Producer mula Hulyo 2012 hanggang Disyembre 2013. (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: