CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 20, 2012 (CIO) - "Kung ang mga kabataan ang siyang pag asa ng bayan sino naman ang magiging pag asa ng kabataan" Ito ang madiin na pahayag ngayon ni konsehala Fernie May C. Asuncion, Pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation at Ex-Officio Member ng Sangguniang Panlungsod. Ayon kay Kon. Asuncion, ipinasa kamakailan ng konseho ng lungsod ang Ordinance No. 515, ito ang ordinansa na nagdedeklara na sa tuwing sasapit ang unang araw ng buwan ng Marso ay iseselebra ang "Araw ng Kabataan" bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga kabataan ng lungsod. Nararapat lamang umanong suportahan ang programa ng Pamahalaang Lungsod kaugnay sa Youth Development, Isulong ang kapakanan nito, at maging tanod ng likas yaman. (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: