CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 26, 2012 (CIO) - Nagpalabas ng mahigpit na direktiba ang Deparment of Interior and Local Government kaugnay sa pinapatungkulang opisyal na pwedeng isapubliko o ihayag sa kinauukulan ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN ) ng mga Empleyado ng Pamahalaan Batay sa Memorandum Circular no. 116-2012, mula kay Secretary Jesse M. Robredo ng DILG hiniling nito sa lahat ng Provincial Governors, City and Municipal Mayors, Punong Barangays, Dilg Officials, Regional Directors, National and local Employees, na laging nakabukas ang SALN sa mata ng publiko at sa mga nagnanais na makakuha ng sipi nito , dapat lamang ipaalam kung magkanu ang kinita ng isang kawani ng gobyerno, mga ari-arian at mga pagkakautang nito habang sila ay naglilingkod sa pamahalaan . Ang direktiba ay obligatory, kailangan maging trasparent sa lahat na mga dokumentong inilalabas. Ang kautusang ito ay bunsod na rin sa katatapos na Impeachment Case na kung saan napaltasik ang punong Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman dahil na rin sa di makatotohanang pag file ng SALN. Kaugnay ng Balitang ito, nagpalabas din ng isang memorandum ang bagong talagang City Personnel Officer sa katauhan ni Atty. Expedito M. Anigan sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa na sundin ang kautusan ng DILG kaugnay sa regular na pag file ng SALN . Makatotohanan , wasto, at dapat laging available sa publiko partikular sa mga nagnanais na makakuha ng kopya nito.(Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: