CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Aug. 9, 2012 (CIO) - Isang resolusyon na humihiling kay City Health Officer Dr. Juancho Monserate na gumawa ng epektibong istratehiya para maprotektahan ang mga bata ng lungsod laban sa kumakalat na sakit na Enterovirus-71. Ayon kay Konsehal Modesto V. Rodriguez, ang Sangguniang Draft Resolution no. 300-12 ay naglalayon na makagawa ng malawakang impormasyon si Dr. Monserate hinggil sa kumakalat na sakit na Enterovirus -71 nagmula sa bansang Cambodia. Ang virus na ito ay pumatay na ng mahigit sa limangpung bata sa nasabing bansa. Sa kasalukuyan, dalawang kaso na ang naitala ng Dept. of Health sa ating bansa, ito ay kinabibilangan ng isang bata edad limang taong gulang at nagmula sa hilagang lalawigan ng Benguet. Nauna rito, nagkaroon na rin ng virus ang isang taong gulang na bata mula naman sa timog ng Lungsod ng Davao. Ang sintomas ng naturang virus ay kinakitaan ng mga rashes sa kamay, paa at mga labi nito, kasama na rin ang pagtaas ng lagnat at pagkahilo ng biktima. (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: