CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Sept. 10, 2012 (CIO) - Hiniling ngayon ng Sangguniang Panlungsod sa pamamagitan ng isang resolusyon sa pamunuan ng City Pnp na paigtingin ang implementasyon ng Curfew Hour sa lahat ng mga minors sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon Kay Konsehal Luis M. Marcaida III, dapat lamang ipatupad ng buong higpit ang Ordinance No. 17-92, mas kilala sa The Curfew Ordinance for Minors. Ang naturang kahilingan ay pinaabot Kay P/SSUPT. Abad Osit Acting City Director. Ayon naman kay Kon. Eleutherius Edualino, karamihan sa mga aksidente sa kalsada ay kinakasangkutan ng mga kabataang Menor de edad at nasa impluwensya ng ispiritu ng alak. Kapuna-puna na halos madaling araw na kung lumabas sa painuman o sa diskuhan ang ilan sa mga kabataan, at minsan nasasangkot pa sa gulo. Sa pagpasok ng buwan ng "ber" hanggang sa December, madalas ang gimikan at kasayahan, na nagiging sanhi minsan ng di pagkakaunawaan. Ang panahon ding ito ang naitatala ang pinaka maraming insidente ng vehicular accident. (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: