CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Sept. 11, 2012 (CIO) - Hiniling ni City Health Officer Dr. Juancho V. Monserate sa Sangguniang Panlungsod ang pag pasa ng isang resolusyon na nagbibigay pahintulot kay Punong Lungsod Edward Solon Hagedorn na pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng Health Futures Foundation Incorporated (HFFI) .

Nasasaad sa Memorandum of Agreement na magbibigay ng isang gusali na gagamitin para sa Satellite Hospital ang HFFI, samantalang ang city government naman ang maglalaan ng lupang pagtatayuan nito. Ang pagkakaroon ng permanente at bagong Hospital building ay malaking tulong para sa kalusugan at agarang aksyong medikal para sa mga residente na nasasakupan ng barangay Inagawan, Inagawan-sub at Kamuning.

Kaugnay nito, nagpadala ng isang liham si Punong Barangay Ariel Lacao ng Inagawan para ipaalam sa Konseho na nagkakakaisang pinagtibay ng kanilang Sangguniang Barangay ang Resolution No. 46-series of 2012 na nagbibigay ng lupa sa pamahalaang lungsod para pagtayuan ng permanenteng gusali na gagamitin bilang Satellite Hospital. (Edwin Rada)

Article Type: