CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Aug. 18 CIO - Umaabot sa dalawang daan at walumput-apat na mga empleyado ng Pamahalaang Panlungsod ang nakapag-avail ng serbisyo ng COMELEC Mobile Team. Ang hakbang na ito ay dulot ng isang liham mula sa samahan ng mga empeyado ng Lungsod na humiling sa pagtatakda ng isang araw na rehistrasyon para sa mga empleyadong walang panahong pumila sa tangapan ng COMELEC.
Dahil dito, positibo ang naging resulta ng COMELEC MOBILE Team kung saan ay nakapag-rehistro ito ng may kabuuang 284 sa City Hall. Nagpahayag naman ng opinyon ang iba pang empleyado ng pamahalaan na sana ay dagdagan pa ang araw na ilalagi ng mga ito sa New City Hall Building.
Ang bio-metrics na ito ay napakahalaga, sapagkat kung hindi po kayo nakapag bio-metrics, hinding – hindi po kayo makakaboto base sa itinatadhana ng probisyon ng batas mula sa Republic Act No. 10367. Ang rehistrasyon ay nagsimula na noon pang May 6, 2015 at magtatapos sa October 31, 2015.
Kabilang pa sa mga area na iikutin ng COMELEC Mobile Team ngayong buwan ng Agosto ay ang mga sumusunod:
Ang nasabing schedule ng COMELEC Mobile Team ay ayon sa direktibang ipinalabas ng Comission on Elections upang mapagsilbihan ang mga botanteng nasa malalayong lugar na walang kakanyahang pumunta sa tangagapan ng COMELEC.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |