CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, July 9 SP - Muling humiling ang Sangguniang Panlungsod sa City Legal Office ng Puerto Princesa na madaliin ang pagsusumite nito ng Motion for Reconsideration sa Bureau of Immigration hinggil sa pagdedeklara sa isang Belgian National sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan bilang “undesirable alien.”

 

            Sa pamamagitan ng isang Resolution No. 1091-2015 na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ay nauna nang hiniling ng Kapulungan na ito ay maisagawa sa kadahilanang nagpalabas ng isang kalatas ang Bureau of Immigration sa dismissal ng deportation case laban kay Jacqueline Mariette Baut.

           

            Mainit na tinalakay ng Committee on Ordinances and Legal Matters sa pamumuno ni Kagalang-galang Konsehal Vicky T. de Guzman ang kahilingan ni Bb. Baut na alisin sa talaan ng Sanggunian ang pagdedeklara nito bilang “undesirable alien” sa bisa ng Resolution No. 766-2014. Ayon kay Konsehal de Guzman, sa binasa nitong liham ni Ginoong Samson Negosa, City Secretary, bilang tugon sa kahilingan ni Bb. Baut,“The Sangguniang Panlungsod stand by its resolution and its position to declare your person as undesirable alien…this SP cannot accede to your letter request since we find no reason nor did you expressed remorse of things done that has offended our people.”

 

            Binigyang diin ng  Komite sa Plenaryo  na kanilang inaasahan na sa lalong madaling panahon ay maisusumite ang motion for reconsideration ng City Legal Office na muling ikonsidera ang pagsasagawa ng panibagong imbestigasyon upang mabigyang pansin ang reklamo sa naturang Belgian national.

 

            Samantala, ipinarating ng Sanggunian sa Samahan ng mga Dalubhasa Palagamutang Hayop sa Palawan o DALUBHAYOP sa pamamagitan ng Presidente nito na si Dr. Jan V. Escalona, DVM na pinapamadali na nito  ang pagsusumite ng Motion for Reconsideration sa Bureau of Immigration hinggil sa kanilang kahilingan at reklamo.

 

Article Type: 
Categories: