CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, June 26 CIO - Nagpahayag ng matinding pagka-bahala ang ating bagong City Election Officer sa katauhan ni Atty. Ferdinand T. Bermejo, na siyang kapalit ng dating kontrobersyal na election officer- Atty. Orlando Baalan.

 

            Humihingi ng tulong sa Tanggapan ng Impormasyon si Atty. Bermejo matapos makipag-pulong sa ating Punong Lungsod Mayor Lucilo R. Bayron tungkol sa kanyang pangamba. Nais maiparating ni Atty. Bermejo sa lahat ng mga botante ang kaalamang ito at hindi masayang ang kanilang karapatang bumoto sa 2016 election.

 

            Umaabot sa 32,000 na botante sa buong lungsod ng Puerto Princesa ang wala pang validation o wala pang biometrics at nanganganib na ma-disenfranchise sa 2016 election kapag hindi magpapa-biometrics.

 

            Payo ng ating City Election Officer na samantalahin ang pagkakataong ito. Ang new registration at validation ay tatagal hanggang October 31, 2015, araw-araw maliban sa araw ng Sabado, mula alas otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa City Coliseum.

 

            Para sa mga botante na magpapalit ng apelyido dahil sa change of status, kailangan magdala ng original copy ng marriage certificate at tatlong photocopy nito. Sa mga bagong botante, kailangan lamang magdala ng identification document o I.D.

 

            Ang karapatang bumoto ay atin, huwag nating sayangin. Makibahagi sa halalan 2016.(cio)

 

 

Article Type: 
Categories: